Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Paano Ka Ba Manghikayat o Mag educate Sa Mga Kababayan Natin
by
serjent05
on 12/08/2023, 23:32:08 UTC
Kayo ganun din ba kayo mag invite una muna ang Bitcoin at mga risk nito bago yung mga benefits.

Kung ang intensyon ay manghikayat, syempre inuuna muna ang mga benefits, then ang mga risk at ang mga posibleng solusyon para maiwasan ang mga risk.  Wala naman sigurong nanghihikayat ng tao na ang sinasabi ay iyong mga risk agad.  Kasi kapag iyan ang inuna automatic shut off agad ang mga investors.  At kapag ganun ang nangyari, kahit ano pang pagpapaliwanag ng nangeenganyo ay hindi na papasok sa tao kasi nga sarado na agad.

Samantalang kapag inuna ang benefits ay magkakaroon ng interest ang tao, kahit pa sabihan natin ito ng mga risk na sasabayan naman ng mga solusyon na makakapag nullify nito ay hindi mawawala ang pagkainteresado ng tao.