Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Paano Ka Ba Manghikayat o Mag educate Sa Mga Kababayan Natin
by
bhadz
on 13/08/2023, 23:46:14 UTC
Pero yung walang tyaga malamang sa malamang mas madalas na malulugi yun at sa mga susunod na panahon baka madamay ka
pa sa sisi nila.
Yun yung mga ayaw na mag try kasi nag fail na sila once at ayaw na nila masundan pa.
Pero nakakahinayang lang din na sa isang beses na pagfail ay madami na talagang umaayaw.
Tingin ko parang ito na mindset talaga ng karamihan, yung takot sa failure kasi nga baka kung ano isipin ng iba na nag try ka pero nag fail ka naman. Kaya nag stick na sa isip ng mga tao na hindi na sila magta-try ulit kasi baka mapahiya sila o di kaya baka mag fail lang ulit.

Understandable din naman pero wala naman kasi atang naging sucessful sa kahit anong business na hindi nakatikim ng pagkatalo kahit minsan. Doon din naman kasi tayo natututo kung ano pa ang mga mas dapat natin pagtuunan ng pansin, ano ang dapat gawin at hind gawin. Failure comes but it also opens new paths of sucess for us.
Totoo yan, lahat ng mga successful businessmen ngayon ay madaming failures na naranasan yan kung meron mang one click success bibihira lang. Kaya ako pag may kausap ako tapos nalaman kong ayaw na magtry, hindi ko na pinapahaba yung usapan mapa crypto man yan o ibang investments.