Sa tingin ko hindi nila alam paano uumpisahan at natatakot sila mascam
Karamihan kasi sa pilipino gusto nila pasukin ang crypto kaso nangangamba na baka malugi, mawala yung pera etc. Dahil mahina yung loob ng iba na sumubok sa isang bagay na di pa nila natatry. May mga ganitng tao rin talaga, hindi rin natin sila masisisi dahil nga talamak din talaga ang mga scammer ngayon. Yung iba naman kulang sa knowledge pag dating sa crypto. Tsaka alam naman natin na yung ibang pilipino na kesa masayang yung pera nila, ibibili na lang nila para sa pamilya nila dahil karamihan sa atin ganito yung mindset.
Wala naman dapat ikabahala pag gusto mo talaga pasukin ang crypto, need mo lang talaga maglaan ng oras para magsearch ng magsearch. Hindi yung sa mga tiktok at youtube lang, magbasa rin ng mga documents, project etc. Kailangan mo talaga mag extra effort dito kung papasukin mo ang crypto para sa kapakanan mo rin.