May nakita akong kasagutan sa katanungan mo yun nga lang ay masyado siyang mahal at kailangan makuha mo yung tamang kwh para sa iyong mining. Pero ito daw ay profitable at magagawa mong makaROI within 36 months. Pwedeng pwede sayo to basta may malaki kang puhunan isipin mo na lang sa tatlong taon na pagmimina mo nabawi mo na agad yung mga ginastos mo. Icheck mo na lang kabayan baka makatulong sayo. Goodluck at Happy mining.
Medyo matagal talaga ang ROI kapag sa mining pero once na makabawi ka parang pure profit na pero di ba may mga changes din sa network at adjustment ng difficulty?
Kaya di ko rin masasabi kung okay ba pero kung mahaba ang pisi mo at gustong gusto mo mag mina, walang problema maging handa lang talaga sa mga unforeseen situations na dadating kapag nagstart ka na.
Kasama talaga yang mga yan sa mga minero , risky din talaga magmina dahil mga mga troubleshooting din dapat natin matutunan hindi yung puro mina lang kailangan may maintenance at always check up sa ating apparatus. Kaya yung budget talaga pagdating sa ganito ay kailangan laging nakahanda na once na mag-aberya may pangsuporta.