Wala talaga matinik na tao na puwede hulaan ang takbo sa mundo ng crypto, puro lang mga speculations ang lahat ng mga yan, pwedeng tumama or puwede din magkamali lalo na kung ikaw ay trader. Sa pagiging invest naman, hindi talaga barabara gagawin dahil nakapa risky po ang crypto, puwede ka yumaman kinabukasan or kabaliktaran. DYOR talaga unang sandata bago pumasok sa larangan ng crypto industry na ito. Tatag ng loob at wag maniwala sa swerte, malas yan.

Doon sa tatag ng loob, yan ang isa sa mga natutunan ko sa pag stay dito sa market na ito. Kapag mahina ang loob mo at umaaray ka sa kokonting losses, paano pa kaya yung isang bagsakang dip at halos maiyak ka na ang lagi ng losses mo.
Ganito lang talaga sa market na ito, no pain no gain ika nga at yung volatility ng market na ito ay high risk at high reward. Kaya mamili ka kung ano ang masakit sayo pero tatagan mo lang loob mo, kapag mahina ang damdamin, huwag nalang pumasok sa crypto.