Pero ito daw ay profitable at magagawa mong makaROI within 36 months.
Unfortunately, hindi ganito ang case para sa lahat at yung tinutukoy niya na article was from last year pa kaya hindi ito accurate... As a former miner, hindi ko nirerecommend na pumasok sa ganitong field without having a complete team na kayang irepair yung mga faulty boards
[or ibang issues] dahil sooner or later, magkakaroon ng mga ganitong problema at pag need mo pa ipadala sa ibang lugar para sa repairs, magkakaroon ng maraming downtime
[sa ibang salita, mas matagal yung ROI].
Aside from that, iyong setup mismo ng power supply at mga gagastusin kung isasama sa kikwentahin for ROI, I do not think na 3 years lang ang kailangan para mabalik ang puhunan sa pagsetup. Aabot ng daang libo ayon sa isa sa mga reply dito para mapatakbo ang isang miner. So on top ng miner, baka di kayanin ang ROI ng 3 or 5 years ang ginastos sa green source ng energy.