- Given the fact na magkakaroon na ng Blockchain technology course, ang tanung meron narin kayang madaming companies dito sa ating bansa ang related sa blockchain tech? Karamihan pa naman na mga blockchain business na lumalabas ngayon sa business industry dito sa ating bansa at puro nauuwi sa scam issue dahil madaming mga scammers ang nagtetake advantage sa tao using blockchain concept.
Hindi ko sinasabi na hindi maganda yang ginawa ng AMA, kumbaga yung implementation ng kursong blockchain wala pang kasiguraduhan na magagamit agad nila ito, lalo pa't kokonti palang naman ang ganitong concept sa bansa natin.
Siguro pinaghahandaan na yan ng skwelahan at mga kompanya kaya siguro nag offer na ang AMA dahil nakita nila na may demand na sa course na ito lalo na sa mga graduates nila. Tsaka di din natin maalis ang pagduda sa bagong course na inoffer ng AMA since bago pa nga lang ito pero for sure naman alam ng school ang ginagawa nila kaya malamang may magandang future ang graduates ng Blockchain tech nila lalo na tumataas ang demand nito sa international market.
Siguradong prepared na ang course outline nito at malamang naaprubahan na rin ito ng DECS or CHED. Ilang taon din ang lumipas mula ng kainitan ng Blockchain tech dito sa Pinas because of Axie Infinity. Sigurado akong pinag-aralan naman iyang curriculum na iyan.
Siguro naman ay hindi sila sasabak na magdagdag ng ganitong course kung hindi sila ready pero I agree na hangga't maaari sana ay experienced ang kunin nla pagdating sa crypto para mas maellaborate nya ang mga bagay based sa experienced nya. Mahirap kasing iexplain ang mga pasikot sikot sa blockchain kung wala ka namang experience dito o hindi mo naman ito kaya iapply sa personal crypto journey mo. Pero as far as I know, credible naman ang mga prof ng Ama at talagang updated sila sa bawat technology innovation na nagaganap.
Ready yan sila pero ito yung unang magiging batch ata ng mga takers niyan. Tingin ko hindi masyadong marami ang mage-enroll diyan maliban nalang kung sanay na sa space at may mga experience lalo na yung mahilig sa NFT, airdrop at test nets. At least sa ganon may background na sila pero meron rin sigurong mga complete zero idea kung ano yan at curious lang kaya nag enroll kasi magandang pakinggan.