Dahil ang AMA ay masyadong mataas ang nalalaman sa teknolohiya kaya nag-oofer narin sila nito. Hindi natin maipagkakait na iba talaga ang magagandang maitutulong ng mga ganitong courses sa bansa. May kaibigan ako na isang profesor sa AMA na mahilig sa cryptocurrencies kaya hindi narin ako nagulat ng makita ko ito ay bagkus namangha ako baka isa narin siya sa mga magtuturo sa mga ganitong courses.
Di pa natin alam kung experts ba talaga ang magtuturo sa kanila kaya sana mga magagaling na prof ang kuhanin nila para maging positive ang result ng mga graduates at makatulong sila sa pagpalaganap ng technolohiyang ito sa ating bansa.
Malamang mga professor din nila ang magtuturo. Nothing special naman kung kukuha sila ng expert o hindi lahat naman nakasalalay sa course outline. Ang mahalaga iyong course outline nila dito. Sana updated at nagawa nilang padaliin ng walang nawawalang information. Sana hindi rin nila minadali ang mga dapat balangkasin dito sa courses na ito just to be the first one na maoffer ng course.
Basta mahalaga lang ay maituro ba ng mainam yung saloobin ng blockchain at kung paano ito gumagana at nakatutulong sa mga gumagamit nito. For sure na gagalingan ng AMA profesors at gagawin nila ang pagtuturo ng mga kahalagahan nito sa mga users.
Siguro naman ay hindi sila sasabak na magdagdag ng ganitong course kung hindi sila ready pero I agree na hangga't maaari sana ay experienced ang kunin nla pagdating sa crypto para mas maellaborate nya ang mga bagay based sa experienced nya. Mahirap kasing iexplain ang mga pasikot sikot sa blockchain kung wala ka namang experience dito o hindi mo naman ito kaya iapply sa personal crypto journey mo. Pero as far as I know, credible naman ang mga prof ng Ama at talagang updated sila sa bawat technology innovation na nagaganap.
Tama , di naman basta basta yan si AMA alam naman natin na mataas ang reputasyon nila at isa rin sila sa mga School institute na mahuhusay sa pagtuturo ng ibat ibang kurso na about technologies.