Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Gandang kaganapan ukol sa usaping crypto sa bansa natin
by
bhadz
on 18/08/2023, 19:22:58 UTC
Sa ngayon, hindi pa natin alam ang magiging future niyan pero optimistic naman tayo sa blockchain technology at siyempre sa crypto. May mga magta-try niyan panigurado pero hindi pa open ang isip ng iba tungkol sa course na yan. Kasi tayong mga pinoy, typical tayo mag isip at doon tayo sa sigurado kaya yung mga bago lang sa course na yan kahit may mga anak na gustong i-take yan ay baka i-discourage lang nila na IT, Com Sci, ComEng nalang ang kunin.
May punto ka diyan , dahil mas gugustuhin nila na mas maganda na may kasiguruhan kaysa mawalan ng saysay ang matututunan. Pero kung maibabahagi ng malinaw at detalyado ang lahat ng impormasyon at magandang maidudulot nito ay may tsansang pagtuunan nila ito.
Sa mga may background na, puwedeng direkta yan na yung kunin nila. Pero kung yung tipong walang alam sa tech tapos first time lang makita yan, mahihirapan magdecide lalo na sa mga magulang para sa mga anak nila. Baka kapag hindi pumatok yan gawin nalang nilang course yan para sa Open University. Mas maganda yung ganyan kasi di na sila maninibago sa phasing ng F2F, hybrid at full online classes.