Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Union bank nagdeploy na ng ATM machine na dollar bills
by
chrisculanag
on 18/08/2023, 22:17:23 UTC
Hindi masyadong malinaw ang detalye ng balita na yan , ang nakalagay lang naman doon ay para sa mga customers lang ito na may mga  US dollars account . So ibig sabihin nito ay yung mga may milyones na dolyares tapos kinagandahan nito ay walang withdrawal fees na siguradong ikakatuwa ng mga US dollars account holders. Bagay to sa mga pumapaldo na sa cryptocurrencies na tulad niyo na gustong mag-impok ng dolyares na pera.  Parang useless lang sa atin pero kung gaya ng mga balak magbakasyon sa ibang panig ng bansa magandang dito na agad kumuha ng dolyar para wala ng aberya pa kung sakaling magbalak man.
Mula na rin sa sinabi mo, hindi naman ito useless at hindi lamang para sa mga milyones na dollars. Ayon sa pagkakaintindi ko, ang main o malaking target ng project na ito ng Union Bank ay para sa mga madalas magpapalit ng pera tulad ng mga nagiibang bansa para mag trabaho o turista. Isa rin ay yung mga nagpapadala ng pera sa OFWs na ang currency ay dollar. Maganda na may mga ATM para dito dahil mapapansin na madalas ay mahaban ang pila sa banko at ilan sa mga nakapila ay mag papapalit lamang.
May punto ka may magaganda rin siyang epekto pero sa mga mga ofw pero para dito sa atin ang magiging purposes niya ay ang pagpapadala sa ibang bansa na dolyares na agad para di na mahirapan ang ofw . Paano kung ofw naman ang nagpadala sa ATM na yun na dolyares ang nilalabas , mangyayari magpapapalit pa tayo nito sa mga money exchanger kaya para sa akin talaga ito atm na dolyares ang inilalabas ay para lang sa mga sinasabi mong ofw na paalis na ng bansa. Magiging maganda sana ito kung lagyan na rin nila ng Atm money exchanger para doble ang purposes niya at mapakinabangan talaga yung machine na ilalagay nila.