Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Union bank nagdeploy na ng ATM machine na dollar bills
by
chrisculanag
on 18/08/2023, 23:31:02 UTC
Hindi masyadong malinaw ang detalye ng balita na yan , ang nakalagay lang naman doon ay para sa mga customers lang ito na may mga  US dollars account . So ibig sabihin nito ay yung mga may milyones na dolyares tapos kinagandahan nito ay walang withdrawal fees na siguradong ikakatuwa ng mga US dollars account holders. Bagay to sa mga pumapaldo na sa cryptocurrencies na tulad niyo na gustong mag-impok ng dolyares na pera.  Parang useless lang sa atin pero kung gaya ng mga balak magbakasyon sa ibang panig ng bansa magandang dito na agad kumuha ng dolyar para wala ng aberya pa kung sakaling magbalak man.
Mula na rin sa sinabi mo, hindi naman ito useless at hindi lamang para sa mga milyones na dollars. Ayon sa pagkakaintindi ko, ang main o malaking target ng project na ito ng Union Bank ay para sa mga madalas magpapalit ng pera tulad ng mga nagiibang bansa para mag trabaho o turista. Isa rin ay yung mga nagpapadala ng pera sa OFWs na ang currency ay dollar. Maganda na may mga ATM para dito dahil mapapansin na madalas ay mahaban ang pila sa banko at ilan sa mga nakapila ay mag papapalit lamang.

Sa nabasa ko ag atm ay para sa mga client nila na may dollar account.  Para nga naman hindi na mahirapan ang mga may dollar account na pumila pa sa bank para magwithdraw mas ok na rin iyong pagallocate nila ng atm na nagdidispense ng dollars.  Sabi nga para a convenience ng kanilang mga parokyano na dollar ang ginagamit  Grin.
Kaya nga ito ay para talaga sa mga may malalaking business sa ibang bansa na dolyares ang karaniwang ginagamit. Pwede rin ito sa atin kaso lamang ang makakaadopt lang nito ng lubusan ay yung may mga kakayahan magkaroon ng dolyares sa kanila account gaya ng mga lugar na mauunlad isa na rito ang Makati city.