Oo nga kasi sa mga random videos, putol putol ng information at mostly content lang talaga. At ang kagandahan kasi kapag bayad, pahahalagahan mo talaga yung course kasi alam mong nagbayad ka.
Given na rin siguro na mataas ang martikula dito at formal course naman ito. AMA pa ang may hawak, isang private institution at hindi state university na hamak na mas mababa ang martikula. Pero dahil expected na ito, sigurado naman na ang mga mag eenroll dito ay alam na iyon at handang gumastos para sa course na ito.
Mataas talaga ang tuition sa AMA. At tama ka na kapag sa mga enrollees ay siguradong aware sila na medyo may kamahalan diyan. Pero malay natin kung may mga vouchers din ng discount galing mismo sa institution nila o di kaya sa government na puwedeng magamit ng mga students dahil sa new course at curriculum na meron sila.