Ayun, Nagpapanik na ako kung bebenta ko BTC ko ano tingin niyo guys?
Dapat na ba ibenta ang BTC ngayon? Na hawak natin or Hold pa?
Pag majority sainyo na dapat paki explain naman ng side ninyo na gugulhan na ako. Medyo matagal ako hindi nag phone or batad sa BTC news and all kung baga lay low from social media and News. Kaya di ako makapag isip kung benta ko na or hindi. Sana my makapagshare and advice T_T . Seryoso guys.
Personal opinion ko kunin ito at ilagay sa ETH kaso baka mamaya biglang taas naman ang BTC pero baka mamaya hindi kasi base mga issues at balita ngayon.
Ako hold lang ng BTC at antay lang hanggang pagkatapos ng halving kasi doon natin makikita kung gaano kataas ang puwedeng mangyari. Sa ngayon, ang tanong ay kailangan mo ba ng pera kaya ka magbebenta? Kung hindi pa naman, hold ka lang muna. O kung mas tiwala ka sa ETH at kailangan mong ibenta ang BTC mo, wala ka bang ibang source na puwedeng gamitin sa pagbili ng ETH? Kasi nasa sayo naman yan kung wala ka ng tiwala sa BTC pero eto lang, kahit anong mangyari sa karamihan ng altcoins at bumaba man lahat, ang BTC kasi ay stable na yan at magrerecover lang yan kahit anong mangyari. Kaya pag isipan mong maigi kung bebenta mo na o hold o di kaya bili ka pa mas marami, huwag kang magpanic kasi normal lang naman yung ganitong sitwasyon.