Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Mga POGO posible kayang magamit sa money laundering ?
by
bhadz
on 22/08/2023, 11:39:46 UTC
Isa na naman POGO sa Pasay City ang ni-raid , ngunit sabi ng mga eksperto sa cryptocurrencies ay hindi madaling makaloko dito. Para sa akin may posibilidad na makapangloko lalo na kung hindi sila legal sa pag-ooperate ng ganitong klaseng pasugalan. Sang ayon ba kayo sa mga sinasabi ng mga eksperto na ito?

Pwede niyo rin dito panoorin sa link sa baba kung tama ba ang pagkakaalam nila sa cryptocurrencies.
https://news.abs-cbn.com/video/news/08/18/23/mga-ebidensiya-sa-pogo-hub-titingnan-kung-gamit-sa-money-laundering
Ginagamit ng mga manloloko ang crypto kaya hindi na maiiwasan na i-reason yan ng mga awtoridad na kung itong raid nila ay gumagawa ng money laundering bukod sa pangi-scam nila.

Hindi lang posible kung hindi ginagamit talaga ng mga malolokong money launderer ang mga POGO para ipalusot ang kanilang transaction.  Di ba me mga naheadline pa nga noon na mismong isang casino and pinagdadaanan ng money laundering transactions.

Kaya hinid na nakakapagtaka kapag may mga balitang mga POGO na naiinvolve sa money laundering.
Nangyayari talaga yan kasi may mga mayayaman na galing sa main land China tapos gusto nila ilabas ng bansa nila pera nila dahil ia-acquire lang ng CCP yun kapag hindi nila malabas. Kaya bukod sa mga scam money pati mismo yaman ng mga nasa main land, pinapadaan nila sa mga casinos para mag money laundering.