Ito talaga downside ng crypto yung ginagamit sa masama instead sa mabuting gawain. Kaya nga bad image laki ang crypto dahil sa ganitong paraan ng mga scammer at nakakalungkot din na sa ganda benefits sa crypto yung din ang ikakasama. Hindi na bago ganyang raid lalo na kung malakihan pera na involved at hindi rin maiiwasan ng ginagamit nila ang crypto sa maling paraan.
Meron nalang talagang negative side kasi anonymous nga, yung mga scammers, alam nila na maka pag benefit sila ng malaki sa crypto. Kaya para maiwasan ma scam, maigi na ma educate ang mga tao about Ponzi scheme and crypto as a whole para maiwasan nila ang mga offers na too good to be true which is usually scams.
Kung may good side and crypto, meron din itong negative side na ang may kagagawan ay mga tao rin naman. Ang maling paggamit nito at paginvolve nito sa mga krimen at pangsscam ay isang dahilan kaya nasisira ang reputation nito sa isang bansa. Katulad niya, sunod sunod ang mga nararaid na pogo at laging involve and crypto dito. Ang mga authorities na walang alam dito ay talaga nga namang nakikita lang ang bad side nito. Hindi rin natin masisisi kung bakit laging option ang crypto sa pangsscam dahil nga sa anonimity na naibibigay nito pero sana lang ay hindi ito makaapekto sa reputation ng crypto sa bansa dahil kung magtutuloy tuloy ang ganitong mga raid at laging involve and crypto ay siguradong maapektuhan pati ang mga inosenteng crypto users sa bansa.