Same here ganyan din diskarte ko, lipat-lipat na lang kung ano ang gusto ko gamitin, hindi naman hassle. Pero yung email ko na para sa mga importanteng bagay hindi ko sinasama sa list ng naka log in. For privacy kasi yung mga anak ko minsan ginagamit din tong phone ko at iwas na rin incase mawala ang phone (advance lang ako mag-isip hehe).
Yung mga hacker/scammer ngayon matatalino na din. So wala naman masama kung mag iingat para maiwasan na maging biktima. Sa huli naman eh nasa atin pa rin ang desisyon kung pano natin ingatan ang ating account.
Tama, at the end of the day, nasa atin pa rin ang desiyon kung paano tayo mag iingat sa mga hacker at scammer ngayon. Kung hahayaan lang natin ang mga accounts naten na hindi secured at naka bandera kung saan saan ay magiging parte din tayo ng dahilan kung bakit at pano tayo mas madaling ma access ng mga hackers at scammers. Sabi nga nila prevention is better than cure, so mas mabuti na mag ingat kesa mag sisi sa huli pag may nakuha na saatin.