May mga mapagsamantala din kasi lalo sa mga ganitong events at caravan tapos pinapasok nila yung projects na sinusuportahan nila. Kumbaga lowkey shilling lang at sana hindi ganun yung mangyari dahil mga estudyante pa karamihan sa mga magiging audiences nila. Expected na madaming matututunan ang mga estudyante sa kanila pero sana top priority pa rin nila yung educational instead sa pagiging business-driven approach nila sa caravan na yan.
Tama ka dyan, marami kasing mga lecturers and nagcoconduct ng mga ganitong activities then bigla na lang nilang ipapasok iyong mga cryptocurrency projects kaya sa halip na matuto ang mga nakikinig about Bitcoin ay nalilito sila dahil nahahaluan ng pagnenegosyo ang activity.
May mga na-attendan ako dati tapos sa bandang huli may mga sinisingit na mga business pitch na mga crypto projects din na halata namang mga shitcoins lang ang ginagawa nila. Hindi na yan maiiwasan kasi nga bayad din naman nila yang mga pa-event na yan at imposibleng di nila mai-pitch ang dapat nilang i-pitch lalong lalo na may mga taong interesado sa crypto.
Ito yung isa sa magandang bagay tungkol sa ganyang caravan. Madami din mas magiging interesado sa pagte-trade lalo sa mga batang yan.
Well, I agree, with this kind of event ay nagkakakilala ang mga pare-parehong crypto enthusiast na nagiging sanhi ng mas higit na pagtangkilik sa crypto, at nagkakaroon din ng community na nagibibgay suporta sa isa't - isa in terms of ideas and moral support.
May mga friendships din na nabubuo diyan. May mga tao na magiging ka-close mo na diyan mo ma-meet sa mga caravan na yan tapos hanggang tuloy tuloy na yung connections and network niyo. Yan ang isa sa kagandahan diyan kung interesado talagang mag dive sa market na ito tapos gagawing career kasi ang opportunity rin naman ay endless. Ang di lang talaga maganda yung mga shilling na lowkey.