Hi! Ngayon pa lang ulit ako nakapag open ng bitcointalk account after 3 years. Ano po mga ways to earn merits and makasali naman sa ga bounties ? Salamat po sa sasagot.

Siguro ang maganda mong gawin ay huwag mong isipin kung pano ka makagain ng merit dito sa platform. Ang the best na gawin mo ay alamin mong mabuti kung ano ba talaga yung dahilan bakit ka nandito sa forum. Pangalawa, pag-ibayuhin mo pang lalo ang pag-aaral mo sa field ng cryptocurrency, trading, at iba pa na dapat mong malaman.
Kasi kung yan yung magiging dahilan kung bakit ka nandito sa forum, ngayon palang sasabihin ko na sayo, mahihirapan ka ng husto na mapataas yung rank mo dito sa forum platform. Pero kung gagawin mo yung mga nabanggit ko na sasamahan mo ng enjoyment at maipapakita mo na natututo ka sa mga nababasa mo dito, sigurado ako meron at merong member dito na magbabato ng merit sayo ng hindi mo inaasahan basta maramdaman lang ng makakabasa na sincere ka sa mga pinopost mo dito.