Ang pagkakaroon ng mga kaganapan sa mga paaralan ay talagang isang magandang ideya, nag-iiwan sila ng pangmatagalang impresyon sa mga mag-aaral, at nagbabago sa hinaharap!
Napapalawak den nito ang market ni crypto and yes, mas marame ang makakakuha ng magagandang information na kung saan magagamit nila when they started to invest in crypto.
Though, napapansin ko lang most of the participants ay sila sila den pero hopefully mas marame ang magkainterest dito at sana mas dumami yung mga free events kase karamihan ay ayaw den magbayad sa mga ganitong events especially if hinde pa sila masyadong pamilyar dito.
Iba pa rin talaga iyong personal na naatendan na mga discussion at seminars na may question and answers at workshops. Ang mga ganitong activities ay nakakapagbigay linaw ng husto sa mga tao na may mga pansariling katanungan tungkol sa cryptocurrency and at the same time ay nagkakaroon ng hands on experience sa mga initial knowledge requirements about technicalities ng cryptocurrencies. Ika nga iba ang dating ng kaalaman kapag personal nating naranasan ang pagsetup ng wallet, pagsecure nito ng may guide at mga kasamang nag-aaral at mga karagadagang kaalaman na binibigay ng ganitong mga activities.