Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Meron paba tayong miner dito? anu na pinagkakaabalahan ninyo sa crypto
by
tech30338
on 25/09/2023, 22:53:15 UTC
Naalala ko sa others section dito sa atin, nandiyan si xxaudioxx na active din nagreply sa thread na ito: Sino ang pinakamatagal na account dito sa Pilipinas board? Isa rin siya sa mga nag mine dati pero ngayon nag stop na siya.

yup meron pa naman pang retirement lol. Pero sa mining matagal na ako nag stop.

Naalala ko rin yang panahon na pagmahal mahal ng mga GPU dahil sa mga miners at sinisisi na nga ng gaming community ang mga minero. Pero doon din natin nakita yung trend na hindi laging nasa taas tapos noong nagsimula yung ETH maging PoS, doon na din bumaha ng supply sa market kaya nagmurahan na ulit mga GPU lalo na yung mga 2nd hand. Interesado din ako mag mine dati kaso kabado ako kahit na may maliit na puhunan kaso sumabay nga sa shortage tapos parang halos weekly pataas ng pataas yung presyo ng GPU nun kaya nagawi nalang sa paghohold at sulit na sulit din naman tapos effortless pa.
Oo boss iniikot ko gilmore tapos ang mga seller iniipit ung iba pinapabili muna ng bulk sa iba tapos ngtitira ng konte, tapos pagnaubos anlaki na ng sell nila sa sunod, bago ko nabuo ang 6gpu antagal eh, 570 na nakuha ko, napakahirap itiming, max 29Mhz lang samantalang luma napapalo ko 32Mhz, pero ung mga asic naman anlaki ng presyo lalo nagmahal tapos lage pang sold out, tapos darating sayo miner luma na kasi may bago lumabas .