Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Meron paba tayong miner dito? anu na pinagkakaabalahan ninyo sa crypto
by
Text
on 27/09/2023, 02:01:41 UTC
Ang alam ko merong thread dito sa local natin about mining, limot ko na yung username nya at di ko alam kung active pa sya rito. Napahanga ako nun dahil sa kanyang motivation at perseverance sa interes at kagustuhan sa kanyang ginagawa. Nag research din ako tungkol sa mining pero hindi ko na ipinagpatuloy dahil alam kong wala akong kakayahan at hindi para sakin ang ganyang niche at siguro dahil na rin sa nabasa kong hindi advisable na mag mina dito sa atin. Pero posible naman basta kaya mong masustain lalo na ang budget, hardware requirements and maintenance.

Pareho tayo OP na nakapasok sa crypto world noong 2016, bale naghahanap at nagtatanung-tanong lang ako noon sa internet kung anong pwedeng pagkakitaan online. Tapos yun may nag comment sa post ko about Bitcoin at dun na nagsimula ang lahat.