Post
Topic
Board Pilipinas
Re: PhilHealth under siege: US$300,000 ransom set by Medusa ransomware group
by
Finestream
on 27/09/2023, 12:33:42 UTC
Mas masyado naman yata silang bilib sa sarili nila, at bansa pa talaga natin ang kinakalaban nila. Siyempre, hindi sila magbabayad. Wala namang katiyakan na kapag nagbayad sila, hindi pa rin lalabas ang impormasyon. Bukod doon, magagalit ang mga tao kung gagawin nila iyon. Bagamat hindi naman ganun kalaki ang hinihingi, mas mabuti nang tugisin na lang sila para matigil na.

Siguro mas mabuti kung ibulgar na lang ng mga hacker ang mga kurakot sa PhilHealth.

Tiyak na magbabayad ang gobyerno natin, kahit pa $1 million pa iyon. Smiley
Hindi sila pwede magbayad kasi dami babayaran ng Philhealth sa mga utang nila sa mga Ospital dahil sa nagdaang Pandemic kaya kung magbabayad sila magagalit ang mga members, at ang mga ospital kasalanan nila ito hindi mataas ang security nila may nabasa ako speculation na may inside job na nangyari sana mahuli nila ito kasi kaya naman ito sa forensic, kung sakaling nagkaroon ng inside job siguradong malaking balasahan ito sa Philhealth.

Kahit na mayroon pa silang maraming pondo, hindi pa rin sila magbabayad. Maaring mayroong 'inside job' siguro, posible 'yan, ngunit hindi na ito nakakagulat dahil alam naman nating nasangkot na ang PhilHealth sa korupsyon noong mga nakaraang panahon. Sa aking kaalaman, walang nakulong na mga doktor at empleyado na inaakusahan. Tungkol sa seguridad, baka sa papel lang ito nakalagay na ligtas, pero sa totoong buhay, malamang na maging vulnerable ito. Alam mo na, baka ang budget ay na-korupsyon na rin.