Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Huwag manghula lang pagdating sa crypto
by
bhadz
on 27/09/2023, 13:36:54 UTC
Itong mga scammer, alam nila yung behavior ng mga pilipino kaya gamit na gamit nila yang knowledge nila at kung paano bumasa ng tao. Sa huli naman, walang kikita kung walang magte-take ng risk. At yung lagi kong naririnig na walang mai-scam kung walang magpapa-scam. Mahirap protektahan yung mga taong ayaw nilang protektahan ang sarili nila. Kahit ilang beses mo ng pangaralan, ayaw makinig at kahit gustong mong tulungan parang ang hirap lang din dahil may sari sarili silang mga pananaw.
Ano kaya yung behavior na tinutukoy mo dude? yung pagiging uto-uto ba? O pagiging ganid at sakim sa pera?
Oo, yang pagiging ganid sa pera at kakulangan sa kaalaman sa usaping pinansyal at easy money lagi. Kaya paulit ulit lang ang mangyayari. Napapanood ko yung mga scam na balita sa TV tapos pare parehas lang naman ang tactics nitong mga scammer pero nakakalungkot lang na madami tayong mga kababayan na maririnig mo na pang ilang beses na daw nilang tinry yung ganoong investment. Biro mo, hindi pa natuto sa unang pagkakataon.

Kaya nga ang daming mga scammers dito sa ating bansa dahil sa ganyan characteristics na pinapakita ng mga kapwa nating mga pinoy.
Kaya nga yung ibang bansa na mga scammers numero uno nilang target na iscamin ay bansa din natin. Bakit? dahil, alam nilang madaming
mga pinoy ang hindi sensitive at maingat sa mga galaw ng mga scammers.
Alam ng mga scammers talaga na maraming illiterate sa bansa natin ganun din naman sa ibang mga Asian countries pero kasi parang sa atin, hindi talaga nag iimprove at may mali na sistema. At yun nga yung mga nakaraang balita na ginagamit ang mga kababayan natin sa pang-scam at worst pa, dito mismo sa bansa natin na sila nago-operate.

Ito ang masakit na katotohanan, pero tama karin naman, hindi nga naman tayo kikita sa isang investment kung hindi tayo magtatake ng risk.
Pero meron namang investment kung marunong lang tayong kumilatis ng papasukan talaga na tutubo ang pera natin ay hindi tayo hahantong sa pagiging biktima ng isang scheme of scam. Kailangan lang talaga maging prudent at maingat, higit sa lahat matalino sa ganitong mga bagay.
Magstart lang sa basic info tungkol sa mga low interest rates na mga deposits o investments na galing sa mga legit institutions tulad ng bangko. Doon pa rin talaga papasok yung pagiging ganid at quick rich mindset ng mga kababayan, sana mabago na ito kasi parang nakatatak na sa karamihan sa atin tapos napapasa pa sa mga mas bata.  Undecided