Masasabi ko lang dyan eh kailangan mong ihanda ung sarili mo sa gagawin o papasukin mo, dapat ung kaalaman hindi naka depende sa
nag recruit or nagturo sayo, dapat may extra effort kang gawin para mas maunawaan mo yung kalakaran para kumita ka talaga.
- Naku mate, alam mo sa totoo lang, tama naman yang dapat maging handa talaga tayo. Ang nakakatawa kasi dyan ay mas handang-handa yung tao na mambibiktima sa atin, yung bang handang-handa nga tayo pero kapag andyan na yung kumakausap na tao, parang ang ngyayari na ay nahihipnotized na yung kausap na bibiktimahin.
Andyan na yung pakikitaan na ng pera, magarang sasakyan, at magandang bahay, tapos ipapahawak pa sayo yung pera. Tapos yung taong kausap mapapasukan na ng greed ng hindi na namamalayan at hindi narin napapansin nahahype na siya dahil sa mga sinasabi sa kanya ng mentor o motivational speaker. Kaya sa halip na pumunta, tumanggi kana lang para wala ng mangyaring ganun. Kaya importante talaga yung may alam ka sa crypto trading hindi pwedeng wala or dunung-dunungan.
Dahil kung may alam ka at makitaan mo siya ng maling sinabi nya about trading dun mo siya madadali for sure, at siya din mismo gagawa ng paraan para lumayo sayo, dahil iisipin nya na mas may alam ka sa kanya.
Ayun nga, yung iba ang galing mang uto. Kahit na sinusubukan naten na maging safe at secured ang gagaling lang kasi talaga nila mag push ng agenda nila at advertise. Pero tama ka kabayan na malaki ang matutulong na may alam tayo para at least mapapansin naten if may mali silang sinasabi at maiiwasan agad natin sila. Tama ka rin na mas maganda pa lalo if hindi natin sila ientertain para malayo tayo sakanila agad, mahirap kasi kung bibigyan pa natin sila ng chance para mas mauto at maloko tayo.