Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Meron ba kayong napansin?
by
blockman
on 30/09/2023, 06:55:48 UTC
Tingin ko naman hindi siya inside job kasi kung inside job at nanghihingi sila ng ransom, dapat binayaran na nila. Pero ayon naman sa balita, hindi nila binayaran at mukhang doon sila medyo nakalie low sa issue na ito. Parang ilang araw lang, natambakan naman na ng panibagong issue yung nangyari dito sa Philhealth nung Socorro na grupo tapos may hearing pa sa senado. Ang daming issue sa bansa natin pero hindi naman natututukan at nakakalimutan lang ng mga tao. Sa akin, ito yung napansin ko at kapansin pansin naman kapag may mga malalaking halaga na involve parang biglang natatabunan nalang ng mga panibagong issue tapos naiiba yung attention ng publiko.
hindi na pag-uusapan yan sa balita kahit pa mas importante yan.

panay kasi balita dyan sa Panatag Shoal na parang maakikipaggera na ang Pilipinas. si bongbong naniniwala atang tutulungan talaga tayo ng US kung makikipaggera tayo. ang tsismis dyan sa Socorro group is that yan palang bundok ni Sr. Aguila ay gagawing Edca site (US military base) kaya timunbok ni Honrtiveros. paalisin ata sila dyan sa kanilang bundok.
Oo nga puro sa Philippine Sea ang balita, ang akin naman hindi naman tayo makikipag gyera pero parang pangti-trigger din ng media yan. Pero ayaw din naman natin na makuha yang part na yan ng China kasi nasa EEZ naman natin lalong lalo na yung Masinloc. Yung sa SBSI, nakita ko nga na malapit yan sa dagat baka gawin ngang EDCA site yan, hindi natin alam kung ano ba talaga kasi unang beses ko palang narinig yan. Ang laki ng lupa doon, 350 hectares. Sa Philhealth naman, balik na ata ulit ang website nila. At may nasagap o nabasa ako na maglalabas ng something ang medusa group, antayin lang daw natin.