Naging trending ngayon ang isang tweet ng isang account na nagngangalang Satoshi Nakamoto. Alam naman natin na si Satoshi ang gumawa ng Bitcoin at matagal na itong hindi nagpaparamdam kaya normal lang na maging trendy kung may marinig tayong bagong statement na galing sa kanya.
Kung makikita natin sa kanyang account ay noong 2018 pa ang last tweet nito, kaya hindi maiwasang mapatanong sa isipan kung siya ba talaga ito.
Ito ang link ng kanyang tweet;
https://twitter.com/satoshi/status/1708886029636137256May nakapagpost na rin nito sa
Bitcoin Discussion, na ang pamagat ay, "
Satoshi's first tweet since 2018?"
May mga taong nagsasabing hindi ito si Satoshi, at may iba din na nagsasabing ginawa ito ng isang developer ng Bitcoin.
Sa tingin nyo, si Satoshi Nakamoto nga ba ito? O isa lamang itong paraan ng mga manipulators?
Anong opinion nyo dito?
Ikaw tatanungin kita, balik ko lang sayo, naniniwala kaba na si Satoshi Nakamoto yan? Ilang taon kana dito kabayan huwag mong sabihin na naniniwala ka sa tsimis. No offense ha, obvious naman na alam ng karamihan na malalim na dito sa Bitcoin industry na walang layunin o balak magpakilala ng personal ang gumawa ng Bitcoin.
Kaya walang dahilan din para paniwalaan ang anumang balita na biglang magdedeklara na sila si Satoshi Nakamoto, at common sense lang din, napakadaling gumawa ng account sa twitter at palabasin na sila si Nakamoto.
Para sakin, hindi totoong si Satoshi yan. Pero may tinatawag kasi tayong "what if" and "we never know", kahit na sabihin nating wala siyang balak magpakilala pero baka sa sususunod mapagdesisyonan nya na magpakilala dahil kinakailangan o yung mga bagay na gusto nyang matupad sa Bitcoin ay natutupad na.
By the way, ginawa ako ang thread na ito upang malaman ang inyong ibat-ibang opinion patungkol dito. Alam kong marami sa atin ang hindi naniniwala dyan pero marami din kasi mga baguhang mga kababayan ang madaling mapaniwala. At may mga baguhang users sa forum na ito ang piniling magmasid kaysa magkomento. May mga users kasi na mataas ang kaalaman sa nasabing topic kaya kung magcomment sila ay mga bagong lesson tayong natututunan. Kaya instead na sabihing no need to post it kasi obvious naman, may mga tao pa rin naman ang nakaka benepisyo dito.