Ilang post na ngayon ang nababasa ko na patungkkol sa mga nagpapanggap bilang Satoshi Nakamoto. Actually napaka imposible naman kasi na bigla nalang mag tweet si Satoshi dahil alam nyang macocompromise ang anonymity niya. Isa pa may community note na from X na the account is portraying to be someone they are not. Ewan ko nalang kung may maniniwala pa dyan.
- Hindi narin ata mabilang mate, diba madalas lang naman na may lumalabas na impostor ay palaging nanggagaling sa twitter platform? Bakit naman kaya? kasi malaking platform kasi ang Twitter, millions of users meron ang twitter sa buong mundo at alam natin yan. Siyempre nga naman kapag nagpatrending ka ay mabilis kang makikilala dahil sa gagawing pagbahagi ng ng ipopost mo na ipagkakalat agad ng millions of community sa apps diba?
Saka alam naman din nating lahat dito na madaming mga matatalinong tao sa kapanahunang ito ang hindi na basta-basta maniniwala sa ganyang klaseng mga rumors sa totoo lang. Kung magpakilala man talaga si Satoshi Nakamoto, edi sana noon pa nung time na hindi pa ganun kakilala ang Bitcoin at cryptocurrency.