eto ang sinasabi kong problema , akala ko talaga nung nagkaron na ng sim registration ay mawawala na ang mga ganyang text, kaso parang hindi naman medyo nnabawasan lang pero andami pa din halos ara araw nakaka receive pa din ako.
Advance kasi mag isip ay mag plano ang mga scammers nakita nila ang loopholes ng mga telecommunications provider biruin nadiscover nila na pwede pala kahit mukha ng aso o unggoy ay makapasa sa verefication at kahot na mga pekeng ID ay inaacept.
Ang haba ng itinagal ng preparation para sa verification pero unfortunately di nila napag aralan ang mga loopholes at ang mga scammer pa ang mga nakadiscover nito kaya wala pa ting nangyari dami pa ring mga text tayong natatangap at matatanggap.
Totoo ito. Matatalino at ang bibilis mag isip ng mga scammer ngayon. Yung mga security na ginagawa naten ay agad na nilang napagiisipan kung paano nila magagawang lusutan. Mapapansin din na may kahit anong tanong ay may mga sagot sila na kapanipaniwala. Although syempre yung iba madali nating nahuhuli hindi naten matatanggi na mayroong mga scammer na masyadong bihasa na o talaga na train or practice na nila lahat ng possible scenario kaya handang handa sila.