Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Bakit nga ba sa dami ng babala at mga nagppost nasscam parin ang iba?
by
blockman
on 16/10/2023, 15:37:30 UTC
Advance kasi mag isip ay mag plano ang mga scammers nakita nila ang loopholes ng mga telecommunications provider biruin nadiscover nila na pwede pala kahit mukha ng aso o unggoy ay makapasa sa verefication at kahot na mga pekeng ID ay inaacept.
Nakakainis yan, parang nakakatawa yung mga network providers natin at itong mga scammer din magaling din mag test at matalino din talaga sila. Sabagay propesyon na nila yan kaya halos lahat ay dapat alamin nila kahit yung mga ganyang detalye. Naaalala ko nanaman yung mga raid sa mga POGO scamming hub tapos madaming mga gcash accounts, IDs at mga kung ano ano pang mga wallets na nagrerequire ng identity ng isang user. Sanay na sanay na sila sa ganyang larangan at parang unlimited supply ng identities din sila kung saan man nila nakukuha.

Ang haba ng itinagal ng preparation para sa verification pero unfortunately di nila napag aralan ang mga loopholes at ang mga scammer pa ang mga nakadiscover nito kaya wala pa ting nangyari dami pa ring mga text tayong natatangap at matatanggap.
Baka din kasi nasa loob ang mga kasabwat pero hindi natin alam, yun ang masakit sa mga telcos na ito tapos di ko alam kung napenaltyhan ba sila dahil sa loophole na yan o hindi tapos pinaayos lang dahil nga may press/media na nakacover sa kamalian nila.