Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Naipublish na nga ang data ng philhealth ng mga hacker
by
benalexis12
on 17/10/2023, 21:34:36 UTC
Guys another hacking incident na naman ang napanuod ko sa balita. Pati ang website ng kamara or yung website ng house of representatives ay na hack na rin. Mukhang iniisa-isa na i-hack ang mga government facilities ng bansa natin na nagpapakita laman kung gaano ka-bulok yung Cybersecurity when it comes to government.

Check this link tiktok link from DZBB

Sa totoo lang nakakahiya ang mga opisyales na meron tayo sa bansa natin, isipin mo sa ilang linggo na lumipas ay iba't-ibang sangay ng gobyerno natin ang napasukan ng mga hackers na ito, una ang philhealth, sinundan naman ng PSA at ngayon naman ang KAMARA o congress. Parang pinapakita ng mga hackers na ito na katawa-tawa ang sistema na meron ang ahensya ng ating gobyerno.

Sabi ng sabi ng mga bagay na huwag mag-alala pero ano itong mga ngyayari, nakakabahala sa totoo lang. Isa lang ang nakikita ko dito, maaring sa darating na eleksyon ng 2028 ay gagamitin ito ng mga fraudster electionist na mandaya para lang makuha nila ang madaming boto, isipin mo record ng lahat ng tao pinas hinack na nila. Sana naman ayusin nila ito, hindi na biro ito sa totoo lang future ng mga anak natin ang nakasalalay dito.