Guys another hacking incident na naman ang napanuod ko sa balita. Pati ang website ng kamara or yung website ng house of representatives ay na hack na rin. Mukhang iniisa-isa na i-hack ang mga government facilities ng bansa natin na nagpapakita laman kung gaano ka-bulok yung Cybersecurity when it comes to government.
Check this link tiktok link from
DZBBIto na yung nakakahiyang part na iniisa isa ng mga hackers itong mga website ng gobyerno natin. Mapa-script kiddies man yan, literal na hackers o hacktivists. Wala na dapat pang maraming salita itong mga nasa kapangyarihan kundi ayusin nalang kung anong sinisira nila. Kasi sa paraan na ginagawa nila, doon lang napapakita na mahina talaga ang cyber defense ng gobyerno natin kasi hindi binibigyan ng halaga. At baka mas madami pa tayong makitang mga government websites ang i-deface at itake down nitong mga hackers.