Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Naipublish na nga ang data ng philhealth ng mga hacker
by
angrybirdy
on 20/10/2023, 12:23:13 UTC
Anu na ngyayari sa ahensya ng mga gobyerno natin, sobrang nakakahiya at pinamumukha lang ng mga hackers na ito kung gaano kapalpak yung mga opisyales na nakaupo sa mga ahensyang inaatake nila. Tapos ngayon, congress, sobrang nakakadisapoint sa totoo lang.
Yun nga kabayan, nakakahiya at parang ginagawang target range at praktisan ng mga hacker yung mga websites natin. Hanggang ngayon parang hindi naman nakakaalarma sa gobyerno natin na pinagti-tripan yung mga websites nila. Wala naman akong sinisisi dito kundi yung mga nagbubulag bulagan at dati pang alam itong problema pero hindi nila binibigyan ng pansin at hindi binibigyan ng halaga na ang akala nila ay okay lang na mangyari kahit ilang beses pa. Hindi nila alam na importanteng laban na yan kasi mga identities na natin ang nahahack at di nila alam na pati database damay sa mga hacking na yan.

Ibig sabihin, walang kwenta ang lahat ng congress natin, ang alam lang ay mangulikbat ng mga pondo na pinaghirapan ng taong bayan na galing sa ating mga taxes, sobrang palpak ng cybercrime division natin. Hindi manlang nila maipakita na innovated at upgraded ang ating system na meron sa gobyerno.
Ganun na nga, kumbaga konek konek na yan. Dahil puro kahirapan lang ang inaddress nila tapos kinukurakot pa. Hindi pa rin sila nagiging aware na matindi na ang labanan ngayon sa digital space. Ang daming pera ng gobyerno natin pero mali mali ang allocation, sana magpondo sila para sa mga cyber security experts natin na handang tumulong para sa bansa natin.

Anak ng patis naman yan, hehehe... Ang daming pwedeng pag-practisan mga ahensya pa talaga ng gobyerno natin ang naisipan nilang pasukin.  Only in the Philippines lang talaga. Di bale sana kung yung mga hinack ay mga pribado, lumalabas mas secured pa ang mga private sectors natin na nasa ilalim ng regulatory ng ating pamahalaan.

Gagastos narin lang ng malaking amount, dapat siguraduhin naman nila yung trabaho ay maayos ng hindi nahahack ang system ng natin sa mga ahensya, pinagmukhang stupid ng mga hacker na ito ang mga ahensya o mga opisyales natin sa totoo lang. Magpakita naman sila ng seryosong pagkilos sa bagay na ganito.
Noon pa issue kung gaano kahina cybersecurity system ng bansa pero hindi nila ginagawan ng aksyon, isinasawalang bahala nila kahit ang laki laki ng pondo na pwedeng gamitin para maimprove yung security, Well aware tyo na bawal magbayad ang government officials ng ransom para sa mga hackers kasi mauulit at mauulit lang din naman so sana maglaan sila ng oras para sa mas secured na websites. Kahit ang mga private companies like Telecommunication company hindi gaano kasecured data ng mga clients, ang dami pading nag te-text and call na mga unregistered numbers and scammers, ang mas Malala alam na alam nila Personal informations mo such as name and address.