Yun nga kabayan, nakakahiya at parang ginagawang target range at praktisan ng mga hacker yung mga websites natin. Hanggang ngayon parang hindi naman nakakaalarma sa gobyerno natin na pinagti-tripan yung mga websites nila. Wala naman akong sinisisi dito kundi yung mga nagbubulag bulagan at dati pang alam itong problema pero hindi nila binibigyan ng pansin at hindi binibigyan ng halaga na ang akala nila ay okay lang na mangyari kahit ilang beses pa. Hindi nila alam na importanteng laban na yan kasi mga identities na natin ang nahahack at di nila alam na pati database damay sa mga hacking na yan.
Anak ng patis naman yan, hehehe... Ang daming pwedeng pag-practisan mga ahensya pa talaga ng gobyerno natin ang naisipan nilang pasukin. Only in the Philippines lang talaga. Di bale sana kung yung mga hinack ay mga pribado, lumalabas mas secured pa ang mga private sectors natin na nasa ilalim ng regulatory ng ating pamahalaan.
Matagal na nangyayari yan kabaya na ginagawang praktisan yung mga websites ng gobyerno natin kasi nga wala silang pakialam at sobrang hina ng defense nila. Kumbaga parang statis websites like yan tapos hinahayaan lang nila hanggang sa kailangan na irenew baka nga may mga times pa na hindi nila nirerenew at hinahayaan na mag expire yung domains nila. Mas secured talaga mga private institutions dahil alam nila ang kahalagahan na dapat maging secured ang kanilang mga websites at systems.
Gagastos narin lang ng malaking amount, dapat siguraduhin naman nila yung trabaho ay maayos ng hindi nahahack ang system ng natin sa mga ahensya, pinagmukhang stupid ng mga hacker na ito ang mga ahensya o mga opisyales natin sa totoo lang. Magpakita naman sila ng seryosong pagkilos sa bagay na ganito.
Sa ngayon parang wala pa rin silang pinapakitang seryosong galaw. Puro media, ganitong aksyon, ganyang aksyon, puro ebas lang at wala naman talagang literal na hakbang pa.