Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Naipublish na nga ang data ng philhealth ng mga hacker
by
DabsPoorVersion
on 22/10/2023, 11:29:28 UTC
Guys another hacking incident na naman ang napanuod ko sa balita. Pati ang website ng kamara or yung website ng house of representatives ay na hack na rin. Mukhang iniisa-isa na i-hack ang mga government facilities ng bansa natin na nagpapakita laman kung gaano ka-bulok yung Cybersecurity when it comes to government.

Check this link tiktok link from DZBB
Fake hacking ito. I've seen a video na may naka-access pa din sa website ng HOR after that hacking news although through a different route. Pagkatapos ma-debunk yung 'hack', sinabi ng HOR na hindi naman talaga hack kundi prank lang daw Grin

Tingin ko gawa ng Congress yan siguro dahil may gustong itago. Na-expose kasi yung katotohanan na parang may confidential funds din pala bawat Kongresista at Senador. Meron silang tinataawg na Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) kung saan pwede nila gastusin yung pondo ng bayan at sabihin nilang para sa MOOE nila ito. Papaano ito naging confidential? Hindi na kasi nila kailangan magbigay pa ng resibo bilang patunay. Magbibigay lang sila ng certification na nagastos nila sa ganito o sa ganyan. Ibig sabihin, hindi ma-verify ng COA kung doon nga talaga napunta ang pera.
Ito talaga ang mga gawain nila kapag may nailabas na mga pinakatatagong impormasyon. Maglalabas ng fake news para may pantapal at madaling kalimutan ng tao ang issue. Magkakaroon nga naman ng bagong pag-uusapan ang mga tao tapos malilipat ang atensyon nila doon at madaling makakalimutan ang mga nakaraang issue.

Itong confidential fund na ito ang daming bumabatikos online tapos malalaman natin bawat Kongresista at Senador pala ay may ganitong expense. Dito mo talaga malalaman na nagsisilbi lamang sila para sa sarili nilang intensyon.