Post
Topic
Board Pilipinas
Re: May politician kaya na pro Bitcoin or may crypto investments?
by
angrybirdy
on 22/10/2023, 12:29:47 UTC
Tingin ko naman marami rin sigurong politician ang nag trade o investor pag dating sa crypto currency, hindi lang talaga siwalat o ipinaaalam kagaya nating mga normal lang na mamamayan, hindi natin kailangan ipaalam sa lahat na involve ka sa crypto, marahil malaki lang talaga ang impact kung mag gagaling yun sa isang politician. Tungkol kay Pacquiao naging involve lang naman sya pansamantala pero hindi na nag deep dive pa, bakit? Sa yaman ni Pacquiao tingin ko hindi na sya magiging interisado pang mag aral o alamin ng malalim yung tungkol sa crypto, dahil hindi rin naman basta basta ang crypto kahit gustohin pa ng kahit sino na mag involve pero hindi sya ganun kadali. Ang alam kong maraming involve sa crypto is yung mga sikat na artista.
Malabong mangyari yang sinasabi mo, ang mga politician at hindi mag aaksaya ng pera nila para mag trade o mag invest. Ang mga politiko ay mga segurista at puro pagpapayaman ang nasa isip. Kaya malabong pasukin nila ang crypto at gawin yang pag trade o pag invest. Siguro ang investment nila ay yung patuloy na umaangat gaya ng real estate at gold. Pero sa crypto, mukhang napakalabo.

Hindi malabo yan dahil alam naman natin na ang mga politiko ay may mga lihim na investments, tulad nga ng sabi mo ang focus nila ay magpayaman at hindi rin naman lingid sa kaalaman nila na profitable and crypto pero hindi lang nila ito inilalabas sa public dahil maaring magkaroon ng conflict or misconception sa maraming Pilipino.
Tulad ng maraming kilalang personalidad na involve sa crypto investment, hindi rin naman siguro pahuhuli ang mga politicians jan. Wala rin naman silang enough reason para ipublic ang personal investments nila. Malamang marami ring pulitiko ang gumaya or sabihin na nating nainspire kay Manny at kilala natin ang mga iyan, hindi yan sila magpapahuli kung saan may profitable opportunity.

Tingin ko din ganyan kasi alam naman natin na ang mga politiko kung saan may pera nandun ang mga radar nyan, hindi naman lingid sa kaalaman natin na biglang nag boom yung crypto nung mga nakaraan at malamang nakasagap din yung mga politiko patungkol dyan.

Pero syempre mas pipiliin nila na tumahimik at yung tipong walang makakaalam para tuloy tuloy lang yung pagpasok ng pera, bihira lang yung mga taong mag sasalita patungkol sa crypto lalo na nung mga time na nagsalita ang BIR patungkol sa paghabol ng tax sa mga crypto users.

Iwas pusoy dun sa mga merong investment at mga nakakaalam at sekreto lang yung mga investment nila.
Karamihan sa mga politicians na nasa higher positions, mapa government and private sectors, mostly focus talaga sila pagdating sa kahit anong ikakayaman, imposibleng hindi nila pinasok ang mundo ng crypto, madami silang connections pagdating sa ganito. Isa sa mga Amo ng kamag anak ko, ang pinaka source of income nila is businesses habang nakafocus sa stocks and trading then ngayon pinasok nadin nila ang crypto, one of their close friends are the Pangilinan's and Pacquiao's. So there's a big chance that some politicians is into crypto investment and trading talaga.