Guys another hacking incident na naman ang napanuod ko sa balita. Pati ang website ng kamara or yung website ng house of representatives ay na hack na rin. Mukhang iniisa-isa na i-hack ang mga government facilities ng bansa natin na nagpapakita laman kung gaano ka-bulok yung Cybersecurity when it comes to government.
Check this link tiktok link from
DZBBFake hacking ito. I've seen a video na may naka-access pa din sa website ng HOR after that hacking news although through a different route. Pagkatapos ma-debunk yung 'hack', sinabi ng HOR na hindi naman talaga hack kundi prank lang daw

Tingin ko gawa ng Congress yan siguro dahil may gustong itago. Na-expose kasi yung katotohanan na parang may confidential funds din pala bawat Kongresista at Senador. Meron silang tinataawg na Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) kung saan pwede nila gastusin yung pondo ng bayan at sabihin nilang para sa MOOE nila ito. Papaano ito naging confidential? Hindi na kasi nila kailangan magbigay pa ng resibo bilang patunay. Magbibigay lang sila ng certification na nagastos nila sa ganito o sa ganyan. Ibig sabihin, hindi ma-verify ng COA kung doon nga talaga napunta ang pera.
Inside job ba yung tinutukoy mo? kung sa bagay posibleng ganun nga din yung ginawa, palalabasin na ganun tapos yung pondo pwedeng paghati-hatian nila or solohin ng isang congressman. Pero palagay ko lang naman ito, kaya lang sa mga taong walang ibang gagawin na maganda ay posible talagang gawin ito ng mga ilang opisyales n gobyerno.
Kelan pa kaya magkakaroon ng opisyales na talagang merong tunay na pagmamalasakit sa ganitong klaseng mga isyu sa gobyerno?
Sana naman maayos ng husto ang ating cryber crime system natin. Huwag yung sa ganitong pagpapakita ng kapalpakan sa totoo lang.