Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Si Satoshi Nakamoto nga ba ito?
by
robelneo
on 24/10/2023, 14:55:37 UTC
Ilang post na ngayon ang nababasa ko na patungkkol sa mga nagpapanggap bilang Satoshi Nakamoto. Actually napaka imposible naman kasi na bigla nalang mag tweet si Satoshi dahil alam nyang macocompromise ang anonymity niya. Isa pa may community note na from X na the account is portraying to be someone they are not. Ewan ko nalang kung may maniniwala pa dyan.
Ilang beses na din kasi nangyari yan kabayan na may susulpot na magpapanggap na Satoshi nakamoto and tingin ko wala na yatang naniniwala dito .
kung meron mang sumasaky eh malamang para lang lumawak ang discussion but deep inside them is di din sila naniniwala.
Tsaka patunayan muna nilang sila talaga si Satoshi Makamoto hindi yong susulpot nalang sila at magsasabi ng ganito at ganyan ?
sa dami ng nangyari pano pa natin paniniwalaan na totoo yan?
mag claim bilang the creator/founder ng Bitcoin tapos walang ibang details?obvious na for pumping purpose lang to eh.

Wala na talaga maniniwala, dahil ilang beses na simula pa nung unang nagpakitang gilas sa price ang Bitcoin. Ang daming nag claim na sila si Satoshi Nakamoto, kahit na walang patunay, talagang pinipilit na sila ito. Hindi malaman sa kung anong dahilan, para ba kumuha ng atensyon o kasikatan. Hindi na natapos ang diskusyon na ganito dahil sa sobrang daming sumusulpot na sila daw ang gumawa sa Bitcoin.  Huh Huh



Sa ngayun bihira na lang ang lumalabas para mag claim na sila si Satoshi Nakamoto isa na lang ang mapilit, the community still maintain na yung mag ke claimna sila sa Satoshi Nakamoto dapat hawak nila ang private key sa kanyang wallet, walang maniniwala kung sasabihin nung nah ke claim na siya si Nakamoto ay naiwala nya ang private key, pero sa totoo lang mahiwaga ang lahat kay Nakamoto sya ang perfect example ng isang tao na marunong magtago ng kanyang identity gayung ang hirap magtago ng identity sa internet .

Dahil lahat ngayun ng mga website ay mayroong tracker na sa kanilang visitor so halimbawa mag announce sya sa Facebook o Twitter sigurado ma tetrace agad sya, ang mga centralized platform ngayun ay na cacapture ang marami sa info natin tulad ng device na ginamit at location.