Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Si Satoshi Nakamoto nga ba ito?
by
Oasisman
on 25/10/2023, 13:56:35 UTC
Ilang post na ngayon ang nababasa ko na patungkkol sa mga nagpapanggap bilang Satoshi Nakamoto. Actually napaka imposible naman kasi na bigla nalang mag tweet si Satoshi dahil alam nyang macocompromise ang anonymity niya. Isa pa may community note na from X na the account is portraying to be someone they are not. Ewan ko nalang kung may maniniwala pa dyan.
Ilang beses na din kasi nangyari yan kabayan na may susulpot na magpapanggap na Satoshi nakamoto and tingin ko wala na yatang naniniwala dito .
kung meron mang sumasaky eh malamang para lang lumawak ang discussion but deep inside them is di din sila naniniwala.
Tsaka patunayan muna nilang sila talaga si Satoshi Makamoto hindi yong susulpot nalang sila at magsasabi ng ganito at ganyan ?
sa dami ng nangyari pano pa natin paniniwalaan na totoo yan?
mag claim bilang the creator/founder ng Bitcoin tapos walang ibang details?obvious na for pumping purpose lang to eh.

Wala na talaga maniniwala, dahil ilang beses na simula pa nung unang nagpakitang gilas sa price ang Bitcoin. Ang daming nag claim na sila si Satoshi Nakamoto, kahit na walang patunay, talagang pinipilit na sila ito. Hindi malaman sa kung anong dahilan, para ba kumuha ng atensyon o kasikatan. Hindi na natapos ang diskusyon na ganito dahil sa sobrang daming sumusulpot na sila daw ang gumawa sa Bitcoin.  Huh Huh


Para sa akin, hinding hindi na ako maniniwala sa kahit na sinong gustong magpa kilala bilang si Satoshi Nakamoto. Unang una sa lahat, pinili niya na manahimik ever since at sa tingin ko hindi na niya ito babaguhin mag pakailan man.
Pangalawa, kaya maraming gustong nakawin ang identity ni Satoshi dahil may mga benepisyo silang makukuha pag napaniwala nila ang mga tao. Kabilang na dito yung abilidad na ma control or ma manipulate nila ang takbo ng sentimento ng mga tao. Kaya it's not so surprising kung bakit maraming desperado ma nakaw yung identity ni Satoshi.