Ilang buwan ko din tong sinubaybayan. Hindi ako nag invest pero may mga kakilala ako na nilaro yang P2E na yan at naka ROI naman. Kawawa lang yung mga huling pumasok na late nainvite, ang dami ko nakikitang group sa social media na tuloy padin sa pag refer ng new players, kesyo 900 lang daw ang investment at naka roi in 10 days.
Depende pa din sa mga pinoy kung patuloy sila magririsk kung may dumating na mga bagong P2E, alam naman natin na karamihan sa mga pinoy ay mahilig sa easy money at kung makakita lang sila ng naka earn kahit bago pa yan, madami na agad ang mag uunahan pasukin kahit ano basta mapagkakakitaan.