Hassle kasi kabayan pag may restriction noh' naalala ko nanaman tuloy ung coins.ph kawawa ung mga nadale ng biglang pagkakasuspende ng account dahil sa isyu na yan, yung wala kang kalaban laban kasi nagagamit naman nung una tapos buglang pag log in nila eh banned or restricted na account nila dahil sa pag violate ng user agreement.
Nasa users agreement naman na bawal talaga gamitin yung fund na nasa coins.ph sa gambling at iba pang mga illegal activities. Although hindi naman illegal ang gambling dito sa atin pero sa ruling ni coins.ph, yun ang masusunod. At sa ngayon, malabo na magamit sa mga sugal ang fund na galing sa coins.ph kasi parang bumaba naman na din ang demand sa wallet nila.
Oo kasi nanghihingi sila ng napakadaming documents na kailangan mo isubmit. Hanggat wala yun, hindi mo magagamit ang account mo. Pababalikin ka nila sa verification at hindi mo malalabas yung pera mo pag nangyari yun. Nangyari na din sa akin yan sa coinsph kaya iniiwasan ko talaga, lalo gcash nalang ang ginagamit ko hindi na coinsph, restricted na e.
Nakakainis nga yun puro KYC sila at halos lahat tayo nakaranas ng ganyan kaya lipat nalang sa ibang wallet. Sa mismong Gcash ngayon, meron silang inaadvertise sa banner nila na mga casino, napapansin niyo din ba yun?