Ako sa sarili ko hindi talaga ako naniniwala sa hula. Kaya nga hula dahil hindi sigurado o 100% accurate na tugma sa hula ang mangyayari. Tapos ang source pa ng tarot reading nila ay social media. Not sure kung nagbabayad sila sa tarot reading, pero kung oo, para sakin mukhang pineperahan lang sila.
Parang yung dating bigla nalang sumulpot sa bansa natin, nag predict ng mga sakuna sa social media, walang malinaw na explanation pero nung bandang huli wala namang nangyaring sakuna.
Sobrang wild ng idea na gamitin ang tarot card sa crypto predictions. Di naman masama itry pero parang sayang? Mas kampante ako sa charts kaysa sa mga hula-hula. Pero siguro trip lang ng iba yun, each to their own, di ba? 😄 Depende nalang rin talaga yan sa paniniwala ng tao. Mas mahalaga pa rin ang maging maingat, lalo na sa cryptocurrency na may unpredictable na nature. Baka nga mas mainam pa ang stick sa tried-and-tested na mga methods. Ingat lang sa mga hype.
Mismo, parang hindi rin naman kasi accurate tapos crypto pa gagamitin. Sa chart nga mismo sumasablay pa yung mga predictions e, ano pa kaya sa tarrot card tyaka baka di pa updated yung manghuhula kaya baka kung ano-ano lang sabihin. Napaka unpredictable ng cryptocurrency para mai-connect sya sa tarrot. So, para sakin hindi siya relevant na source para pag anuhan ng crypto. Tama na maging maingat lang, at kung maaari sampung beses ninyo pag isipin bago kayo pumasok sa isang bagay. Siguraduhin niyo rin na may alam at alam ninyo yung papasukin niyong investment dahil para rin naman yun sainyo.