Siguro ay napakalabo para sa atin na irelate ang tarot cards sa market, dahil ang tarot cards ay pawang hula lamang ng mga posibleng mangyari sa hinaharap. Yung iba pilit lang o sadyang naniniwala o sabihin na nating nagkataon lang kaya pinaniniwalaan nila ang paggamit ng tarot cards. Posible din yang sinabi mo na baka may alam din sa crypto market ang mga nanghuhula at sinasabayan lng ng tarot cards para mas kapani-paniwala sa iba.
Yun na nga kabayan, mahirap talaga kasi wala namang basis at parang ang basis nila ay sa kung anoman ang pinagbabasehan nila sa panghuhula nila na walang direct connections sa market. Mas madaling isipin na may alam sa crypto yung nanghuhula at gimik lang ito para pagkakitaan. Ganito naman sa mundo basta kung saan may raket, puwedeng gawin at meron at merong bibili.
part lang siguro ito ng kanilang plans for hyping kasi parang nakakaloko naman talaga paniwalaan kahit sinong may matinong isip hinding hindi maniniwala dito tarrot card i coconnet sa crypto?
Hindi natin alam kung hyping pero kung nangyayari talaga at may mga parokyano baka established na din yan sa may Thailand.
may mga nakita akong tao na ginagamit ang kanilang faith even sa gambling , pero yong ganitong connection na imposibleng magkaron ng katotohanan eh nakakaloko na.
Ayun na nga, nagdadasal pero nagsusugal.. Ooops maraming influencer sa bansa natin niyan pero kahit individuals, madami din.
tsaka baka siguro kung sa Bitcoin pa nila i connect eh may mga maniwala pa or sakyang ang trip nila but LUNA? come on alam naman ng lahat na scam ang project na to.
Medyo malayo kabayan, nabanggit ko lang yung luna dahil = sa buwan na nasa tarot cards.