Post
Topic
Board Pilipinas
Re: PCSO Idinemanda Ang Isang Blockchain Company
by
bettercrypto
on 17/11/2023, 17:56:21 UTC
Ibig sabihin ay hindi natutulog sa pansitan ang mga kawani ng PCSO. Talaga lang na dapat ay mapahinto at mahuli ang pasimuno ng mga illegal na pasugalan dito sa Pinas dahil hindi sila patas. Pero sana eh lalahatin ng taga PCSO hindi yung mga small timers lang meron dyan mga big time na POGO na nagdudulot ng hindi magandang resulta sa lipunan tulad ng kidnapping.

Though magandang moves ito para mabawasan yung mga sisira sa imahe ng  blockchain technology. Pero teka, decentralized yung lottery games? Di ko magets bakit blockchain company? Tumatakbo ba ang company nila through blockchain?
Talagang hindi sila magpapawalang bahala sa ganyan lalo't nababawas yung possible na kikitain nila dahil lumilipat sa mga hindi authorized or illegal na gambling platform. Gusto man aksyonan ng PCSO yung mga POGO dito sa bansa pero mahihirapan sila dahil halos or karamihan sa malalaking POGO ay backed ng malalaking kompanya or nang gobyerno kaya hindi sila basta basta maaataki.

Yan ang masakit na katotohanan, na yung iba ay protektado ng mga ibang mga officials na nasa gobyerno kaya hindi basta-basta maatake talaga.  Hindi na ata talaga mawawala ang ganyang sistema sa gobyerno natin. Ang medyo nakakainis lang ginamit na naman ng mga mapagsamantalang taong ito ang blockchain kaya naman ang mga mainstream media ay ginamitan na naman ito ng masamang dating sa mga tao dito sa bansa natin.

Tandaan lamang natin na kahit wala pa ang blockchain technology ay ngyayari na ang ganyang mga ilegal activity sa category na yan sa totoo lang noon pa man hanggang ngayon, nataon lang na nadagdag ang blockhcain na gamitin ng mga mga mapagsamantalang tao.