Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Ano ang gagawin mo sa sitwasyon na ito?
by
Ben Barubal
on 19/11/2023, 00:21:35 UTC
  well, parang may nakikita ako na hindi maganda sa bagay na yan, dahil ipagpalagay nalang natin na totoong may rewards pa silang ibibigay sa hacker kapag binalik sa address yung mga ninakaw, edi lumalabas parang nagbibigay pa ng opportunity sa mga magnanakaw na mas lalong magnakaw sa pamamagitan ng paghack ng mga wallet address.

  Siyempre, ano sa tingin nio iisipin ng mga hackers na iba, magiging trabahong legal ito sa kanila. Why? isipin mo nagnakaw kana nga na alam mong masama, magmumukha kapa ring mabuting tao dahil binalik mo yung ninakaw o hinack mo na crypto assets tapos may bonus rewards kapa bilang bayad sa ginawa mo na pagbalik. Sa tingin nio hindi ba ito opportunity na legal sa kanila? Kung ito yung paraan na gagawin palagi ng mga nasa authority, dahil iisipin din nila kesa hindi mabalik at least mabigyan man ng rewards, may naibalik parin na malaking halaga kumpara sa rewards na binigay.