Kung ikaw ang hacker, tatanggapin mo ba yung reward or lie low lang muna since may possibility na bluff lang yung offer ni Sun since pwede naman nya ipahuli nalang sa pulis yung hacker withotu announcing na nakuha na nya yung info ng hacker?
Yung mga ganitong agreement ba possible sa legal terms? In a way na hindi ito magiging trap lang para mahuli yung hacker? Kasi kung ako ang hacker if hindi ako sure na malinis yung pagkakahack ko or may naiwan akong bakas, baka kagatin kona yung offer. Kasi kung ikaw naman yung gagawa ng ganyang bagay alam mo sa sarili mo if 100% kang sure sa ginawa mo if tama ba or may mali. Pero honestly yung offer okay nadin kaysa makulong. Kaso nga lang baka sangkot pa itong hacker na ito sa iba pang kaso na magiging way para makulong siya.
I think possible naman if ever na matukoy talaga pero need mo ng lawyer para masettle yung ganto na walang negative impact sayo as hacker kapag in-accept mo yung offer. Pero isang issue naman dyan is yung security mo if ever kumagat ka sa offer nila dahil loss pa rin sa kanila yung 10M na reward nila. Kaya sa tingin ko pinaka safe option talaga ay tangighan yung offer at magpahinga muna bago galawin yung mga funds na nakuha. Though masama man isipin pero yung lang talaga nakikitang kong best option para sa hacker na gawin nya sa gantong scenario.
Pero tingin ko win-win situation naman itong ganitong offer since mas malaki naman siguro ang mababalik sa nahack compare sa 10M na reward. Pansin ko din na naka translate yung note sa ibat ibang lenguwahe, so possible na hindi talaga nila kilala at parang gumagawa lang sila ng deal na papabor sakanila at sa hacker pero tingin ko if ganyan ang tinahak na landas ng isang hacker hindi nga siguro siya lalantad sa ganyang offer dahil parang sinabi niya lang din na hindi siya magaling sa larangan na ito.
win-win senaryo nga bang maituturing yan? isipin mo nagnakaw kana nga tapos sa huli nirewardan kapa dahil binalik mo yung ninakaw mo sa tao. Tapos ikaw na ninakawan rerewardan mo pa yung nagnakaw sayo. Ano kaya pakiramdam mo dun kung ikaw yung ninakawan? Ilang lang ito sa mga tanung ko din sa totoo lang naman.
Dahil sa batas ng bawat bansa sa aking pagkakaalam ay ang pagnanakaw is commiting a crime, so ibig sabihin na caught ka na magnanakaw ka nga talaga, dun palang may violation kana agad, na dapat maparusahan ang sinumang nagnakaw, diba? Kaya malamang karamihan na hacker ay hindi papayag sa ganyang kondisyon.
Tingin mo kaysa hindi mabalik? If ever man may hawak nga talaga silang info? Kung ikaw nanakawan ng malaking halaga at mababalik yung mas malaking halaga dahil dito hindi ba ito win-win? Kaya nga tinanong ko if possible ba sa legal terms kasi kung oo edi parang win-win lang pareho. Sa mga tao ngang nascam kahit konti maibalik mahalaga na sakanila sa ganito pa kaya, oo may talo pero kung may way naman na mapapababa yung talo mo mas gugustuhin mona yun kaysa sa wala.