totoo dahil nong pandemic, pero nagpa umpisa niyan yong online sabong, tapos pagbagsak ng online sabong dito sa baraha, at sportsbetting naman.
ngayon pinasok na ng mga influencer, ma offeran lang ng magkanong halaga pinopromote na.. kahit na fake funds lang naman kadalasan na ginagamit nila..
Matagal ng mahilig sa sugal ang mga pinoy. Ngayon lang talaga nagboom ang online gambling sa bansa natin dahil madali ng makapag operate yung mga online operator kahit na walang license dahil madaling magtiwala ang mga pinoy sa mga shady website basta may influencer na nagpro2mote nito kagaya nalang ng Philwin at madami pang iba.
Nag intensify lalo ito nung pandemic dahil walang magawa ang mga tao tao tapos pinasok na tayo ng mga chinese at iba pang foreign casino kaya sobrang boom talaga ng online casino hanggang ngayon dahil sobrang accessible na nito.
Alam naman natin na mga pinoy sugal yung isa sa mga kinahihiligan nila, sa tingin ko kaya mas lalo pang nag "boom" o kumalat yang mga online gambling ngayon kahit na mga di lisensyado o peke is dahil na rin sa mga influencer or streamer na sikat na nag propromote nito tsaka nag aadvertisement mabayaran lang sila, tapos after sila mabash o reklamo sa ganong action nila sasabihin nalang nila alibi nila na di sila aware na rugpull or mga peke yung na advertised nila.
Kaya nung nakita nila na madami na eenganyo sa online gambling, madami na nag try gumaya at gumawa ng sarili nilang gambling game which is mga peke nga at di lisensyado. Isang factor din yang pandemic kahit sa ngayon feel ko na naging mas attatched na yung mga tao sa gadgets at internet dahil nga sa bawal lumabas noon at internet lang ang source of entertainment mo. Kahit mapa gambling game, lottery or raffle basta di lisensyado at di legal approved, wag na kayo magtiwala. In the end kayo pa rin bahala, DYOR muna if gusto mo pa rin tuloy nasa sayo na yan sariling pera mo naman ang iririsk mo.