- Ako man to be frank parang ganun din ang iniisip ko, bluffing o sinasaywar lang na sinasabi ng iba para kumagat yung tao na iniisip mong mahulog sa patibong na meron kang iniisip. Kaya lang mukhang hindi rin naman ganun kabobo yung hacker para maniwala sa ganyang statement lang.
Edi sana kumagat na agad yung hacker kung naniwala ito sa sinabi nung tao, Saka kung ako yung siguro nasa kalagayan ng hacker ay wala naring dahilan pa makipagtransaksyon ako, mas nanaisin ko nalang na manahimik kesa yung magbigay ng replay sa sinasabi nila.
Totoo naman, lalo mukha namang hindi basta basta lang itong hacker kaya paniguradong may mga plan A plan B yan na kung sakaling magkaroon ng ganyang sitwasyon, alam niya/nila ang gagawin. Iisipin mo nalang talaga na bluffing lang ang ginagawa.
Magsisimula na mas maingat na magtago no, o kaya naman baka umalis na yun ng bansa nila at lumipat sa mas tagong lugar na posible ng matrace. Lalo kung wala talaga silang lead sa identity nung hacker.