Post
Topic
Board Pilipinas
Re: Tarot cards gamit pang predict ng market?
by
bitterguy28
on 20/11/2023, 08:27:26 UTC
Nabasa ko yung LUNA, naaalala ko lang tuloy di ba parang may term din na ganyan sa mga tarot cards na yan yung buwan? At karamihan sa mga hinuhula ng mga cards na yan ay may relasyon sa buwan? Ngayon, yung Luna na yan naging scam tapos ang dawing nawalang pera at naging biktima. Sana din itong mga nagpapatarot sa bansa na yan malaman din nila kung ano yung mga projects na magiging scam. Mas maganda siguro kung ganun yung kalakaran ng mga hula nila, madami na silang natulungan, madami din silang mase-save na mga tao na maiiwasan ang pag invest sa mga projects na yun.  Grin

On other hand talaga maaaring pasaring lang talaga ang article na yun para maniwala yung mga tao sa bansa nila na may chance pa na mag pump yung Luna at ginamit lang talaga ang hula  galing sa tarot card or kung sino mang manghuhula ang kinuha nila para ma hype ulit ang coin na yun. Dahil alam naman natin na nawala na talaga ang tiwala ng mga tao sa Luna gawa siguro yung mga tao sa likod nyan ay gumawa ng gimik para umingay sila ulit. Yan ay rumor lamang pero kung iyong iisipin may sense talaga yan. Kaya nasa sa kanila nalang talaga kung maniniwala sila sa hula hula nayan dahil alam naman natin sa sarili natin na walang accurate na hula ang maaaring maka pin point kung ano mangyayari sa market dahil palaging unpredictable ang market kaya nga kahit ang mga expert ay natatalo dyan yan pa kayang nang huhula lang.
Wala na, bagsak na yang Luna pero parang nirelate nga lang para sa crypto na din tapos itong mga tarot cards pa. Pero kahit saan pa man natin tignan, napalabo talaga makita yung ganitong connection sa analysis sa market. At kung may pagkakahalintulad man, ay yun ang normal nating hula hula lang din sa market kung tataas ba o hindi. At ang iba pa niyan ay baka ang mga manghuhula na yan ay nasa crypto din ng matagal na kaya may alam na rin siguro tapos sinasabi lang nila yung gusto nilang sabihin base sa nalalaman nila sa market.
part lang siguro ito ng kanilang plans for hyping kasi parang nakakaloko naman talaga paniwalaan kahit sinong may matinong isip hinding hindi maniniwala dito tarrot card  i coconnet sa crypto?
may mga nakita akong tao na ginagamit ang kanilang faith even sa gambling , pero yong ganitong connection na imposibleng magkaron ng katotohanan eh nakakaloko na.
tsaka baka siguro kung sa Bitcoin pa nila i connect eh may mga maniwala pa or sakyang ang trip nila but LUNA? come on alam naman ng lahat na scam ang project na to.
Siguro, gagawin talaga ng iba ang lahat para lang ihype ang isang crypto. Kahit hindi na related sa crypto, hanggat may maniniwala o may parehas na paniniwala gaya nalang kunng may naniniwala sa resulta ng tarot card sa community nila, gagawin nila yan. Kung sa Bitcoin man ito gagawin, hindi pa din naman kapani-paniwala dahil wala naman talagang connect yun.
Kahit mukhang kalokohan na pero dahil sapagka desperado nila eh gagawin nila? hindi nila alam na mas nasisira lang ang Imahe nila sa nakakakilala kung ano at pano ang kanilang project gumana at nagtapos.
LUNA? common wala ng matinong cryptonians ang maniniwala dito maniban lang sa mga baguhan na pwede pa nilang Mauto at maloko.
sana lang magkaron ng saysay ang mga patunay ng mga natalo sa pag invest sa LUNA na until now running against the team.