I agree, hindi nila agad malalaman ang IP address ng isang legit na hacker, for sure sobrang daming layers nyan na kailangan idecrypt bago makita at isa pa malaking exchange to at malaking pera yung nakuha nya meaning edukado itong taong to pagdating sa hacking at online activity. Yung sa $10 million white hat reward naman, hindi sya convincing para sakin if I were the hacker, maari kasing bait lang ito para mas mapagaralan nila or bigyan yung sarili nila ng time para malaman yung information ko. If I were the hacker, I'll start moving na kung san mang lupalop ng mundo, ang magiging problem na lang is hindi lahat ng nakuhang pera ay magiging pisikal na pera sa kanya, worth nothing kumpara sa kalayaan na kapalit nito.
Anong bait lang, ang sabihin mo talaga bait sa hacker yan, baka iniisip nila na ganun lang kasimple na maconvice yung hacker sa ganun strategy na ginagawa nila. Pero tulad ng sinabi mo matalino nga talagang yang hacker na yan.
Baka nga naliliitan pa yan sa offer sa kanya, posibleng ganun pa yung mangyari diba? saka tama ka rin malaking exchange parin yang poloniex kaya malamang hindi nya gagawin na manghack kung alam nyang mahuhuli siya ng mga awtoridad sa aking palagay at opinyon lang naman.
Maaaring ganun na nga, gumagawa nalang sila ng mga posibleng paraan at nagbabakasakaling mabawi ang mga perang nanakaw. Kaysa naman mapahaba pa ang usapan at lalo na ang imbestigasyon na maaaring mauwi sa wala kaya nagbigay nalang sila ng ganitong offer o bait para matapos na agad.
Mataas ang chance na hindi pansinin ang offer. Mukha din namang hindi basta-basta ang hacker at alam niya ang ginagawa niya dahil hindi naman ganun kadali ang manghack ng exchange. May mga plano yan na paniguradong hindi siya madaling mahuhuli.