Post
Topic
Board Pilipinas
Re: [Paalala]Bawal na ang Mixer promotion sa forum!
by
bettercrypto
on 03/12/2023, 13:10:53 UTC
Dami din dismayado na mga pro-privacy sa bagong policy pero wala din naman sila maitutulong kung sakaling paimbestigahan ang buong forum at kasuhan ang admin nito. May mga suggestion din ako nabasa tungkol sa workarounds pero malamang hindi din magtagal.

~
At ang isa sa kinakatakot ko eh , baka sa mga susunod na araw pati lahat ng Gambling businesses na walang KYC implementation and mga exchange ay ma banned na din or tayo mismong mga gumagamit ng mga service na yon ay ma banned din.
Meron pa ba walang KYC na casino? Pati freebitco.in ay meron na din yata. Pagdating sa mga DEX, hindi naman yata fully anonymous mga transaction na dumadaan sa kanilang mga servers kaya may paraan pa din ang mga awtoridad na ma-trace. Hindi na nila kailangan ng complete seizure kagaya ng sa mixers.

Karamihan na mga casino ngayon sa crypto gambling ay meron ng mga kyc na iniimplement sa totoo lang. Konti nalang ata yung walang kyc na iniimplement, at oo tama ka din sa sinabi mo sa Dex.

Ngayon, tungkol naman sa mga inanunsyo ni theymos ay wala naman tayong ibang magagawa kundi tanggapin kung ano ang desisyon ni @theymos.  Meron pa naman sigurong magandang opportunity na darating sa atin sa forum platform na ito.

Baka in future di na tatanggapin yung mga No KYC platform na yan dahil pwede silang ma gamit ng mga kriminal na gusto mag mix ng kanilang illegal na funds.

Kaya para sa ikaayos ng lahat at ma iwasan mawala ang forum mas mainam na siguro na yung mixer campaign ang mawala para mabawasan talaga ang mga illegal na gawain dito sa forum. Although malungkot na balita talaga ito sa mga nasa mixer campaign pero laban lang for sure in future may mga campaign pa naman na magbubukas kaya isipin nalang natin kung may nawala man for sure may panibagong papalit diyan.

Ngayon tingnan nalang natin talaga kung ano ang epekto nito in long run kapag napasara na talaga ang access ng mga mixers sa forum na ito.
Sa totoo lang wala naman illegal na gawain dito sa forum kahit pa ang mga mixer, sinamantala lang talaga ng masasamang loob ang isang mixer na nakita nilang butas para magamit sa pansarili nilang balak at naging ugat kung bakit nauwi sa ganitong sitwasyon. Ginawan lang agad ng pangunahing hakbang para hindi na madamay ang forum sa anumang illegal na gawain, dahil yun talaga ang pinaka iniiwasan mangyare na maging normal ang mga illegal dito sa forum.

Kung yung Bitcoin nga nagagamit ng mga mapagsamantalang tao sa maling paraan at panloloko ng mga investors, ito pa kaya na parang ang dating ay black market para lang hindi matrace yung transaction na gagawin nila. Siraulo lang talaga yang mga taong masama ang hangarin sa totoo lang.

Wala talagang pakialam ang mga yan sa mga maaapektuhan ng ginagawa nila, lets move on nalang siguro at hintayin nalang natin yung magandang mangyayari pa sa hinaharap at madami pang magandang opprotunity dyan na naghihintay sa atin.